full version

User Name
Password

Post Reply
tinay_pie86 05-28-2009, 12:23 AM
Junior Member
Kamote
 
Posts: 15
heto ang mga banat...

"Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

"Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

"Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

"Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

"Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."

"Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."

"Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"

"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

"Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."

“Madalas ang mga bagay na hinahanap mo ay talagang nasa harap mo lang. Hindi mo lang napapansin dahil ang tingin mo palagi ay sa malayo sa pag aakalang kailangan mo pa itong pagpursigihan o paghirapan.”
“Ang kaligayahan ay wala sa materyal na bagay. Nasa isip ito, nasa gawa at kung paano ka dumiskarte sa buhay mo.”
“Walang bagay na mahirap sa taong may gusto. Walang imposible sa taong matiyaga.”
“Hindi ka malas sa buhay. Tamad ka lang.”
“May magandang bagay na mangyayari sa taong naghihintay, naghihintay habang gumagawa.”
“Hindi galit sa iyo ang mundo, pinapakita nya lang ang mga mali mo.”

“Kailanman ay hindi nagwawagi ang taong umaayaw, maski na ang mandaraya, manalo man, ikaw pa rin ang wagi, dahil malinis kang lumaban.”
“Wag nang ipilit ang isang bagay na hindi dapat para sa iyo. Dalawa lang yan, hindi ito bumagay sa iyo, o ilagay mo ang sarili mo sa alanganin.”
“Pag meron, meron.. Pag wala, magtiis.”
“Ang tunay na pagkakaibigan, nagkakasubukan sa oras ng pangangailangan. Kasama mo kahit sa mga oras na wala ka nang maibigay.”
“Ang maya, hindi kailanman magiging lawin, ang taong mapagmataas, ibababa at ibababa ng pagkakataon..”
“Kung ano ang nandyan, kung ano ang meron sa ngayon, pagyamanin. Pag may dumating na ibang opurtunidad, pag aralan, kung ayon, wag palalagpasin.”
“Iisa at maikli lang ang buhay, andito ka ngayon, maaaring bukas wala ka na, malawak ang mundo, kaya ng puso ang magmahal ng lubos, nakahanda ang tadhana sa mga naisin.. Wag magdalawang isip sa gusto gawin.”
“Wag gugulin ang buhay sa paggawa. Pang alalay lang ito sa mga pangarap na nais marating.”
 
Digg this Post!Add Post to del.icio.usBookmark Post in TechnoratiFurl this Post!
Reply With Quote
masayahingpilipino1993 05-28-2009, 04:57 PM
Junior Member
Bagito
 
Posts: 2

Quote:
Originally Posted by tinay_pie86 View Post

wow!hanep ang galing nung post mo ha!based on experience ba yan or just from the books?! any way sa mga young one malaking matututunan nila dyan... kip it up!
 
Digg this Post!Add Post to del.icio.usBookmark Post in TechnoratiFurl this Post!
Reply With Quote
vertigo235 06-04-2009, 04:50 PM
cenobite
Lambing
 
Posts: 143
naks......

galing mo tinay...elibs na ako sau!
 
Digg this Post!Add Post to del.icio.usBookmark Post in TechnoratiFurl this Post!
Reply With Quote
delmarz 06-05-2009, 10:08 PM
Member
Dakila
 
Posts: 35
wow

wow!!...ang ganda nman ng quotes,,,quotes ba yon? hehehe

---------------------------------------------------------------
Gusto mo bang extra income for your allowance or etc.?
Using net you can earn a money....totoo po e2..
Please visit This site How To Earn Money
 
Digg this Post!Add Post to del.icio.usBookmark Post in TechnoratiFurl this Post!
Reply With Quote
jubail_mla 07-03-2009, 10:35 AM
Junior Member
Bagito
 
Posts: 3

wow! Nice naman mga quotes ba yo baka naman advise yon
 
Digg this Post!Add Post to del.icio.usBookmark Post in TechnoratiFurl this Post!
Reply With Quote
drumstikk 07-28-2009, 10:53 AM
Junior Member
Dakila
 
Posts: 29

nabasa ko na yung iba dati.. and the others, new to me.. pero still.. ang galing! it makes a lot of sense.. di ba??.. hehe.
 
Digg this Post!Add Post to del.icio.usBookmark Post in TechnoratiFurl this Post!
Reply With Quote
Dota*GirL88 08-01-2009, 02:16 PM
Senior Member
Lambing
 
Posts: 152
weeeee. :3

` ang gganda ng mga quotes. (:
fan siguro si ate ni Bob Ong, hehe.

- Pag yamanin ang Bob.Ong -

...
 
Digg this Post!Add Post to del.icio.usBookmark Post in TechnoratiFurl this Post!
Reply With Quote
tinay_pie86 08-30-2009, 06:32 AM
Junior Member
Kamote
 
Posts: 15

buti naman po kahit papano maraming natuwa... kahit luma na yung iba...
kuya vertigo namimiss na kita....
 
Digg this Post!Add Post to del.icio.usBookmark Post in TechnoratiFurl this Post!
Reply With Quote
21happinexx 12-24-2009, 01:28 PM
Junior Member
Bagito
 
Posts: 1
weeeew?????????

di ba kay bob ong lahat ng ideas n un??

heheh saknya lhat ng quotes n un eh!!!!

nko nmn . .kilalanin ntin si bob ong hahhaha . .
 
Digg this Post!Add Post to del.icio.usBookmark Post in TechnoratiFurl this Post!
Reply With Quote
cathie_cuenky 12-27-2009, 05:47 PM
私はあなたになりたい
Ningas
 
Posts: 515

whew.. lhat my sense tlg..

tnx sa pgpost te tinay..

-bob ong mabuhay-

Digg this Post!Add Post to del.icio.usBookmark Post in TechnoratiFurl this Post!
Reply With Quote
Post Reply

vBulletin, Copyright ©2000 - 2007, Jelsoft Enterprises Ltd.
LinkBacks Enabled by vBSEO 3.0.0
Mobile vBulletin skins: vBMechanic