![]() |
mobile version |
|
|||||||
|
Welcome to the noypi.org - Eh kasi Pinoy! forums. You are currently viewing our boards as a guest which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, play in the arcade, upload content and access many other special features. Registration is fast, simple and absolutely free so please, join our community today! If you have any problems with the registration process or your account login, please contact contact us. O ano? Sali na! |
![]() |
|
|
LinkBack | Thread Tools | Display Modes |
|
|
#1 (permalink) |
|
Junior Member
Bagito
|
Ikaw ay Tatlumpu't Limang Taong gulang, babae, may asawa subalit datapwa't wala pang anak. Kasalukuyang naninirahan kasama ang buong pamilya ng iyong asawa (oh yes, that means kasama ang biyenan!).
Nagkaroon ka ng oportunidad na magka-pera... Ano sa tingin nyo ang pinaka-mainam at pinaka-praktikal: Option 1 Ipa-ayos ang lumang bahay ng iyong mga magulang. Gawin itong dalawang palapag at doo'y lumipat kayong mag-asawa. Ang kuya mo sa first floor at kayo ng asawa mo sa second floor. Pro: Pinaka-komportable dahil teritoryo mo ito Con: Nasa first floor lang si Kuya na walang trabaho. Medyo nakaka-irita ang palaging pag-hingi ng pera lalo't alam mong hindi naman nag-susumikap umunlad ang buhay. Option 2 Bumili ng affordable na 2 bedroom condominium sa may Mandaluyong or Makati area. Pro: Kumbinyente ang lokasyon Con: Para ka naman walang asset dahil wala naman ka namang "lupang" masasabing pag-aari. Parang hindi pang-permanenteng tirahan ang condominium. Option 3 Bumili ng house and lot sa out-skirt ng Metro Manila. Mga tipong isang oras at kalahate hanggang dalawang oras na layo mula sa Maynila. Pro: Komportable. Walang asungot na Kuya. Con: Paano kung ma-approve na ang application for abroads? Sino ang tatao sa bahay? May isa pa, baka isipin ng ibang kamag-anak, bakit ang ayos ayos ng bahay mo pero yun sa Kuya mo, hindi mo man lang inayos - or masyado ka lang nagpapa-apekto? Baka lang meron kayo masasabi. Hindi kasi ako makapag-desisyon kung ano ang mainam. Salamat sa mga makiki-sawsaw. |
|
|
|
![]() |
| Thread Tools | |
| Display Modes | |
|
|