![]() |
mobile version |
|
|||||||
|
Welcome to the noypi.org - Eh kasi Pinoy! forums. You are currently viewing our boards as a guest which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, play in the arcade, upload content and access many other special features. Registration is fast, simple and absolutely free so please, join our community today! If you have any problems with the registration process or your account login, please contact contact us. O ano? Sali na! |
![]() |
|
|
LinkBack | Thread Tools | Display Modes |
|
|
#1 (permalink) |
|
onna bugeisha
Orihinal
|
Mag-oopen sana ako ng bank account sa isang bangko kanina... (ayos wala pa akong tulog nun diretso bangko)... Ang nangyari, instead na nakapag-open ako, naletche ako kasi sabi nila for area approval pa raw ako, baket daw kamo? May isang taong kapangalan ko na may lumang problema sa credit card records nila... at wag ka, pareho ko pa raw ng address! Ako naman eto natanga kasi wala naman akong credit card account sa kanila ever. At medyo lang 1 and half na taon pa lang ako nagtratrabaho, di naman ako pwede magka cc na walang work diba? unless extension ako... pero ung nag-aapply ang liable dapat kahit ganun, hindi ung supplemental... Saka talagang di ako nag-open ng cc account sa kanila. Ni balak di ko nagawa noon. Gusto ko sana usisain ung detalye nung problema kaso parang tinataboy na ako nung babaeng kausap ko. Ako'y na pa sh#t na lang talaga ng malutong... paano ba ito? Ano pong nangyari? ARGHHHHH
__________________
|
|
|
|
|
|
#2 (permalink) |
|
Administrator
Nginig
|
Brother ko nagkaproblema dati sa credit card na hindi niya ginamit. Basta na lang pinadala sa kanya nang hindi naman niya hinihingi. Hindi rin niya in-activate, kaya laking gulat na lang niya nang panay na ang dating ng monthly statements. Palaki ng palaki ang utang niya, tapos nung usisain namin kung bakit siya nagkaroon ng utang sa di pa ginagamit na card, eto daw ay dahil sa annual fees!
Try mo i-complain sa DTI. Kung Mastercard or Visa yan, pwede mo rin i-complain sa kanilang international website. Huwag ka papayag na ganun na lang, joiz! Baka sundan ka ng problemang yan dahil ngayon ka pa lang nag-e-establish ng credit history.
__________________
Make no little plans; they have no magic to stir men's blood and probably themselves will not be realized. -Daniel Hudson Burnham |
|
|
|
|
|
#3 (permalink) |
|
Myphe Network Pilipinas
Lambing
|
whoaw! teka lang, sobra naman yan. wag mu hayaan yan, baka sa iyo pa magkakomplikasyon yan later on, at I think yun nga mangyayari if you not take actions now.
Ang nakakapagtaka, kung address mu ginagamit bakit ala ka narereceive na monthly statements like how sir juan's brother. Well, depende siguro kung ilang taon na nakakaraan yung "lumang credit card account" na yun. What a coincidence naman kung may kapangalan ka at same address mu ngayon. |
|
|
|
|
|
#4 (permalink) |
|
onna bugeisha
Orihinal
|
I honestly don't know what plan of actions to take.
As for billing statements, wala talaga akong narereceive and ung address na I used was my parents' address. Medyo lang naman since forever na tong address namin and sasabihin naman siguro ng mga magulang ko kung may mail silang natatanggap for me in the past. Sobrang weird nga talaga... If I had a credit card problem with their bank, hindi ba dapat kinompronta na nila ako right there and then about it? Or no? I really really don't think it's coincidence na kapangalan ko tapos same address. Unless the bank is pulling my leg to delay my account application. Anak ng mother board naman talaga, nasayang lang ang oras ko kanina. E kung natulog na lang ako, edi sana ngayon di ako inaantok.
__________________
|
|
|
|
|
|
#5 (permalink) |
|
Myphe Network Pilipinas
Lambing
|
Kung meron talagang ganung account na same infos like yours ms. einjhel, baka naman the officials of the bank has to do with this identity theft case like yours?
Or kung tama nga yung sinabi mu na denedelay lang nila yung application mu, that was very unethical. uhm... well normal lang siguro na maging precautious sila pero that was too much for an alibi. |
|
|
|
|
|
#6 (permalink) |
|
onna bugeisha
Orihinal
|
Wala pa akong natatanggap na tawag mula sa kanila, ewan ko lang ha kung gaano katagal yang area approval ekek nila pero they obviously aren't eager to have me put my money in their bank. Che! Sa ibang bangko na lang nga...
__________________
|
|
|
|
![]() |
| Thread Tools | |
| Display Modes | |
|
|